Minsan madarama mong kay bigat
ng problema...
Minsan mahihirapan ka at masasabing
"di ko na kaya"...
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan...
O di kaya ako'y tawagin
malalaman mong kahit kailan
Hawak kamay, di kita iiwan
sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak kamay, di kita bibitawan sa paglalakbay..
Sa mundo ng kawalan...
Minsan madarama mo ang mundo'y
gumuguho sa ilalim ng iyong mga paa
at ang agos ng problema'y tinatangay ka...
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
O di kaya ako'y tawagin
malalaman mong kahit kailan
Hawak kamay, di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak kamay, di kita bibitawan sa paglalakbay
sa mundo ng kawalan...
Wag mong sabihing nag-iisa ka
Laging isiping may makakasama
Narito ako... Narito ako...
0 comments:
Post a Comment